19.4 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Pinansyal na tulong, iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga sa Biga Laggunawa Weavers Association

Iginawad ng Pamahalaang Panglalawigan ng Kalinga ang tinatayang PhP500,000.00 bilang pinansyal na tulong sa Biga Laggunawa Weavers Association sa Kalinga Sports Center nito lamang ika-6 ng Enero 2025.

Ang pagbibigay ng tulong pinansyal para sa pangkabuhayan ay pinangunahan nina Gov. James S. Edduba at Cong. Allen Jesse Mangoang.

Ang tulong pinansyal ay naglalayong matulungan ang grupo na makabili ng mga loom frame at materyales para sa paghahabi.

Ang Biga Laggunawa Weavers Association ay binubuo ng mga miyembro mula sa Barangay Amlao, Balawag, at Suyang sa Tabuk City at nabuo sa pamamagitan ng Apostolic Vicariate of Tabuk-Social Action Center sa ilalim ng Green Luzon Project, na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga komunidad at magbigay ng alternatibong kabuhayan.

Layunin ng pamahalaang panlalawigan na magbigay ng inklusibong serbisyong panlipunan, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan bilang pagsuporta sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon sa paglikha ng mas maraming oportunidad at trabaho para sa mga Pilipino, na susi sa isang mas maunlad na ekonomiya ng ating bansa.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles