14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Pinakamalaking “Takore” sa Pilipinas, matatagpuan sa Polig’s Farm sa Benguet

Isa sa ipinagmamalaking tourist attraction ng Benguet ang giant kettle o ang pinakamalaking “takore” na matatagpuan sa Polig’s Farm sa Km. 20, Golon Ambassador, Tublay, Benguet.

Ang “takore” ay may diameter na 24ft. at taas na 20ft. kung saan ito ay gawa sa purong bakal at ang pader nito ay gawa naman sa galvanized iron sheet.

Ayon kay Ginoong Polig, may-ari ng Polig’s Farm, ang malaking takore ay dinisenyo at ipinagawa nila para maranasan at mas ma-enjoy ng mga bisita at turista ang pag-inom ng brewed arabica coffee, gepas (sarcandra Glabra) tea at hot choco (Tablea) sa loob nito.

Bukod sa giant kettle ay makikita rin sa Polig’s farm ang giant cowboy hats, giant spider webs, giant butterflies, giant hearts, giant cups at ang giant strawberry.

Mayroon din itong playground para sa mga bata at ang Grail’s Pasalubong Products kung saan pwedeng bumili ng mga homemade pasalubong sa murang halaga.

Ang entrance fee nito ay Php100 para sa adults; Php80 para sa senior, PWD at edad 8-15 taong gulang; Php50 para sa edad 3-7 taong gulang; at libre naman para sa dalawang taong gulang pababa. Ito ay bukas din araw-araw mula 7:00AM hanggang 6:00PM.

Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3273381926273756&id=100008059421512

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles