13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Pilipinas, India palalakasin ang ugnayang pang-ekonomiya sa pamamagitan ng Tech Summit

Inilunsad noong Martes, Marso 5, 2024, ng Embassy of India sa Pilipinas ang unang India-Philippine Tech Summit (IPTS) upang makatulong na palakasin ang economic at strategic partnership ng dalawang bansa sa pamamagitan ng paggamit ng digital technology.

Sa kanyang talumpati sa IPTS sa Shangri-La The Fort sa Taguig City, binanggit ni Indian Ambassador to Manila Shambhu Kumaran ang pangangailangan para sa mga papaunlad na bansa na maging maalam sa pakikisosyo —lalo na sa seguridad, people-to-people ties, at ekonomiya.

“Sa pagdating ng AI (Artificial Intelligence), magkakaroon ng mga karagdagang pagbabago. Kailangan ng partnership. At ang summit ang simula ng partnership na iyon,” ani Kumaran.

Ang kaganapan, aniya, ay makatutulong sa pagdadala ng mga negosyanteng Indian upang palawigin ang kaalaman ng mga Pilipino sa mundo ng teknolohiya sa pamamagitan ng kanilang mga kwentong tagumpay.

“Para sa Pilipinas, ang India ay nag-aalok ng pagkakataong mag-aral, magpatibay, at makipagtulungan,” dagdag niya.

Sa partikular, ang summit ay nagdala ng mga Indian na may mga startup na kumpanya na nagkakahalaga ng higit sa USD1 Bilyon na pribadong pagmamay-ari at hindi nakalista sa isang share market—pati na rin ang iba pang mga startups sa larangan ng agrikultura, pangangalaga sa kalusugan at teknolohiyang pinansyal (fintech) sa Pilipinas.

“Ang IPTS 2024 ang magdadala ng mga stakeholders sa aspeto ng teknolohiya at magbibigay ng pagkakataon para sa networking pati na rin upang galugarin ang mutually beneficial G2B (Government-to-Business) at B2B (Business-to-Business) partnerships,” dagdag pa niya.

Sa kabilang banda, sinabi ni Mr. Ivan John Uy, Kalihim ng Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon o DICT (Department of Information and Communications Technology), na nananatiling masigasig ang gobyerno ng Pilipinas na mapanatili ang pakikipagtulungan nito sa pribadong sektor.

Sa ngayon, sinabi niya na mayroong ilang mga kasunduan na kasalukuyang nasa ilalim ng negosasyon sa gobyerno ng India sa ‘cybersecurity’ at ‘digital transformation.’

“Ang summit ay isang angkop na pagpapanibago ng kooperasyon at pagdiriwang ng pagtatatag ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng dalawang bansa,” sabi ni Uy sa isang naka-record na talumpati.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles