14.3 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Php900K Livelihood Assistance mula DSWD, tinanggap ng tatlong Barangay sa Rizal, Cagayan

Nakatanggap ng Php900K Livelihood Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong Barangay sa Rizal, Cagayan sa ginanap na simpleng programa nito lamang Martes, Agosto 30, 2022.

Pormal na ibinigay ng mga miyembro ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) na kinabibilangan ng DSWD, Cagayan PNP at 17th Infantry Division, Philippine Army ang tig-Php300,000 na tseke sa mga representante ng Barangay Masi, Bural, at San Juan sa Rizal, Cagayan.

Layunin ng programang Livelihood Program ng kagawaran na mabigyan ng panimulang pondo sa pagpapatayo ng kani-kanilang negosyo ang mga Barangay na apektado ng insurhensiya sa bansa.

Pasasalamat naman ang naging tugon ng mga opisyales ng mga nasabing Barangay sa kanilang natanggap na tulong mula sa gobyerno.

Source: Cagayan Police Provincial Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles