Naghandog ang Department of Agriculture–Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) ng Php9.7 milyong halaga ng pasilidad para sa mga nag-aalaga ng kambing sa Cuyapo, Nueva Ecija nito lamang ika-3 ng Hunyo 2022.
Ayon kay DA-PRDP Regional Project Director Eduardo Lapuz Jr, ang mga benepisyaryo ay ang 192 miyembro ng Bonifacio Multi-Purpose Cooperative (BMPC).
Ayon pa kay Dir Lapuz Jr, ang bahagi ng Php6.2 milyon na pondo ay para sa farm facilities tulad ng multiplier farm, trading post, opisina, at stock room.
Samantala, ang natitirang Php3.5 milyon ay para sa ipapamahagi nilang higit isang daan na F1 does at bucks, purebreed Boer bucks at native na kambing.
Ang benepisyaryo ng kooperartiba ay nakatanggap din ng feeds, gamot, bitamina, dewormers, napier grass cuttings at legumes.
Siniguro din na ang newly-awarded goat farm facilities ay makakatulong sa mga residente ng Cuyapo sa aspeto ng goat production at marketing.
Ang pasilidad ay hindi lamang para sa mga taga Nueva Ecija ngunit ito’y para din sa mga kalapit na probinsya.