Ipinamahagi ang tinatayang nasa Php765,000 na financial assistance para sa 87 benepisyaryo mula sa iba’t ibang bahagi ng Benguet nito lamang ika-8 araw ng Mayo 2023.
Ang naturang pondo ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng programa ng Provincial Social Welfare and Development bilang agarang tugon sa medikal at burial assistance.
Patuloy ang iba’t ibang sangay ng gobyerno sa paghahatid ng mga serbisyo upang ihatid ang agarang tulong at ipadama ang malasakit ng pamahalaan tungo sa pagkakaisa at pag-abot ng kaunlaran sa ating bayan.