23.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Php64K undocumented lumbers nakumpiska sa Ifugao; 5 arestado

Arestado ang limang lalaki habang nagsagawa ng Anti-criminality checkpoint ang mga awtoridad sa Piwong COMPAC, Lohot, Piwong, Hingyon, Ifugao nito lamang Agosto 26, 2023.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina alyas “Marcelino”, “Orlando”, “Jomar”, “Robert” at “Lando”.

Batay sa ulat, naharang ng mga operatiba ang isang asul na Isuzu Elf na may Plate Number CTA 423 na minamaneho ng isa sa mga suspek na puno ng kahoy na may iba’t ibang laki.

Agad namang inaresto ang suspek matapos mabigong magpakita ng mga kaukulang dokumento tungkol sa transportasyon ng mga kahoy.

Nakumpiska sa mga suspek ang 245 pcs. ng 2x3x10 with total volume of 1,225 board feet na may market value na Php58,000. Dalawang piraso ng -3”x36”x10.8’, isang piraso ng 5”x34”x10.8’, isang piraso ng 4”x36”x10.8’, isang piraso ng 5”x39”x10.8’, isang piraso ng 4”x31”x10.8’, isang piraso ng -4”x37”x10.8’, isang piraso ng 3”x34”x10.8, isang piraso ng 3”x39”x10.8, at isang piraso ng 3”x31”x10.8’ na may total volume na 1, 178. 10 Bd. Ft at total market value na Php64, 795. 50 na Php55 per bd. Ft.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines ang mga suspek ngunit patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad na isumbong sa kanilang himpilan ang mga taong sangkot sa ilegal na aktibidad para matigil ang ilegal na gawain na nakakasira sa ating kapaligiran.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles