15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Php6.6M halaga ng flood mitigation structure project sinimulan na sa Pangasinan

Agno, Pangasinan – Php6,600,000 halaga ng flood mitigation structure project ang sinimulan sa Balingcaguing River sa bayan ng Agno, Pangasinan nitong Biyernes, Mayo 13, 2022.

Ang proyektong ito ay upang protektahan at mapabuti ang mga lupaing agrikultural sa tabi ng Balingcaguing River sa nasabing bayan.

Ayon kay Esperanza Tinaza, Public Information Officer ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Ilocos, ang nasabing proyekto ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022.

Ito ay makatutulong para makontrol ang pagpasok ng tubig upang maprotektahan ang mga residenteng nakatira at mga ari-arian na malalapit sa ilog.

“Kapag nakumpleto ang istraktura ng pagkontrol sa baha ay maiiwasan ang pagpasok ng tubig, na nagpoprotekta sa mga residente at mga ari-arian malapit sa ilog mula sa posibleng pagbaha sa panahon ng malakas na pag-ulan,” ani Tinaza.

Ang Agno ay isang coastal municipality na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pangasinan. Kilala ito sa mga puting buhangin na dalampasigan at mayaman sa mga produktong pangisdaan at agrikultura na iniluluwas sa ibang mga lugar.

Ikinatuwa at ikinasabik ng mga residente ng Agno, ang pagkakumpleto ng nasabing proyekto at sa mga pagpapabuting maidudulot nito sa Brgy. Aloleng, kung saan ito matatagpuan.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1174386

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles