23.7 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

Php5M Relief Assistance natanggap ng kalinga mula kay PBBM

Kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagbigay ng Php5,000,000 halaga ng financial assistance para sa lalawigan ng Cagayan Province at Cordillera Region nito lamang ika-29 ng Hulyo 2023.

Ang financial assistance cheque ay personal na tinanggap ni Kalinga Governor James Edubba at Provincial Treasurer Ma. Theresa Basitao.

Dito ay ibinahagi ni Governor Edduba ang mga epekto ng bagyong Egay sa kanilang lalawigan kung saan ayon sa inisyal na damage assessment ay mayroong humigit-kumulang na 801 na pamilya mula sa anim na munisipyo at isang syudad ang naapektuhan ng bagyo.

Nakapagtala ang nasabing lalawigan ng tatlong totally damaged na bahay sa Lubuagan, 104 naman na bahay mula sa iba’t ibang munisipyo ang bahagyang nasira at dalawang paaralan sa Tinglayan at Tanudan ang may bahagyang pinsala.

Samantala, nagresulta naman sa hindi bababa sa Php322.74 milyong pisong halaga ng initial na pinsala ang naiulat mula sa tanggapan ng lower at upper district ng Kalinga.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles