21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Php5M halaga ng Financial Assistance, ipinamahagi ni Sen. Imee Marcos

Butuan City – Bago matapos ang Women’s Month ay namahagi ng tinatayang Php5,000,000 halaga ng financial assistance si Senador Imee Marcos para sa mga Disadvantage Women sa probinsya ng Agusan del Norte na naganap sa Provincial Capitol Covered Court, Butuan City nito lamang Miyerkules, Marso 29, 2023.

Ito ay bilang tulong at pagpapahalaga sa mga kababaihan lalong-lalo na sa mga Disadvantage Women sa iba’t ibang sektor kung saan naglaan si Senador Imee Marcos ng Php5,000,000 halaga sa anim na lokal na gobyerno ng Agusan del Norte at ito ang Remedios Romualdez, Jabonga, Tubay, Kitcharao, Nasipit at Cabadbaran City.

Namahagi din ng Php3,000 halaga ng cash assistance sa 1,365 na pamilya na karamihan ay women in crisis, persons with disabilities (PWD), indigenous peoples (IPs) at solo parents na mga nakapasa sa validation ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (ACIS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Caraga.

Sinuportahan naman ito ng matataas ng opisyales ng Caraga Region na sina DA Assistant Secretary for Consumer Affairs Kristine Evangelista; DA-Caraga Regional Executive Director Engr. Ricardo Oñate Jr; mga mayor’s ng bawat bayan sa Agusan del Norte; at Police Regional Office 13 Regional Director Pablo Labra II na siyang nanguna sa pagbibigay seguridad sa aktibidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles