Natanggap na ng 852 na magsasaka mula sa Iguig, Cagayan ang Php5,000 Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) mula sa pamahalaan sa isang programang naganap sa Iguig Municipal Gymnasium nitong Lunes, Setyembre 12, 2022.
Sila ang unang batch ng 1,091 benepisyaryo ng RFFA mula sa nasabing bayan.
Ngayong linggo ay nakatakdang makatanggap ng nasabing benepisyo ang 5,629 magsasaka mula sa mga bayan ng Iguig, Solana, Tuao, at Penablanca sa lalawigan ng Cagayan.
Layon ng programang ito ng gobyerno na maibsan ang pasanin ng mga magsasaka dahil sa pagbaba ng presyo ng palay sa merkado.
Samantala, nagpasalamat naman ang mga magsasaka sa natanggap na tulong mula sa pamahalaan.
Source: Department of Agriculture Cagayan Valley