18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Php559M Intervention Fund ng DA handog sa mga Isabelino

Umabot sa Php559 milyong halaga ng intervention fund ng Department of Agriculture ang inihandog para sa mga magsasaka at mangingisda ng Isabela sa ceremonial awarding na ginanap sa Community Center, City of Ilagan, Isabela nitong Biyernes, Mayo 20, 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni William D Dar, Secretary ng Department of Agricultue at dinaluhan ng iba’t ibang Farmer Cooperatives and Associations (FCAs) sa buong lalawigan.

Iginawad sa ceremonial awarding ang Php94,454,106 halaga ng benepisyo para sa F2C2 beneficiaries ayon sa DA banner program (rice, corn, HVCDP, livestock, at organic agriculture) at 8 FCAs o Rice Farmers Financial Assistance beneficiaries (mechanization component) naman sa Isabela ang pinagkalooban ng Php20.3 milyong pisong halaga ng makinarya sa ilalim ng PHILMECH.

Isinabay din sa nangyaring awarding ng mga benepisyo ang paglulunsad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) and Fuel Discount Voucher Program para sa mga corn farmers at fisherfolk sa lugar.

Sa ilalim ng inilunsad na programa, 500 rice farmers mula City of Ilagan, Benito Soliven, Gamu, at Cordon, Isabela ang naunang nakatanggap ng Php5,000 cash assistance kung saan kabilang sila sa 62,234 na may sinasakang 2 ektarya pababa na makakatanggap din ng nasabing tulong pinansyal.

Samantala, 50 indibidwal naman mula sa hanay ng corn farmers at fisherfolk ang nakatanggap ng Php3,000 bawat isa sa ilalim ng Fuel Discount Program ng ahensya.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga magsasaka at mangingisda sa natanggap nilang mga benepisyo at tulong mula sa pamahalaan.

Siniguro naman ng DA na patuloy silang maglulunsad ng mga programa upang masuportahan at matulungan ang mga nasa hanay ng agrikultura na makamit ang masaganang ani at mataas na kita.

Source: Department of Agriculture Cagayan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles