13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Php50M halaga ng dam, matagumpay na naitayo sa Pangasinan

Matagumpay na natapos ang itinayong Php50,000,000 halaga ng Lagasit Dam ng National Irrigation Administration- Lower Agno River Irrigation System Improvement Project (NIA- LARISIP) sa Region 1, Huwebes, Mayo 19, 2022.

Ang pagpapatayo ng Lagasit Dam ay nagbibigay ng karagdagang pagkukunan ng patubig sa Pangasinan at mga kalapit na lalawigan.

Ayon kay Engineer Freddie Toquero, Acting Project Manager ng LARISIP, napapatubigan na ng Lagasit Dam ang kabuuang 12,650 ektaryang lupain na sumasaklaw sa mga bayan ng Rosales, Sto. Tomas, Alcala at Bautista sa Pangasinan; San Manuel at Mocada sa Tarlac; at Cuyapo sa Nueva, Ecija.

Sinasabi rin na pinakikinabangan na ito ng 10,372 na mga magsasaka at ng kanilang mga pamilya sa mga naturang lugar.

Ang Lagisit Dam ay tumutulong din para mailihis nito ang labis na tubig na nagmumula sa Ambayaoan – Dipalo River Irrigation System (ADRIS) area para muling magamit ng Lower Agno River Irrigation System (LARIS) sa panahon ng tagtuyot.

Kasama rin sa nasabing proyekto ang paghuhukay at paglilinis sa kaliwang bahagi ng re-regulating pond sa bayan ng San Nicolas; konstruksyon ng slope protection ng Banilla River sa Balungao at Umingan; pag-aayos ng Bakit-Bakit Check Gate sa Rosales; rehabilitasyon o pagpapanumbalik ng LARIS Main Canal kasama ang mga lateral at sub-laterals nito; at konstruksyon ng appurtenant structures.

Tiniyak ni Engr Toquero na ang LARISIP ay mananatiling nakatuon sa layunin nito na magtayo at mapanatili ang de-kalidad na mga pasilidad ng irigasyon at patuloy na susubaybayan ang pagpapatupad ng mga proyekto upang makatulong na matamo ang seguridad sa pagkain.

Ang LARISIP naman ay bahagi ng flagship infrastructure projects ng administrasyong Duterte na nakatakdang matapos sa Disyembre 2022 na may kabuuang pondo na Php3.5 Billion.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles