14.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Php5.2 milyong halaga ng makinarya at kagamitang pangsaka,ibinahagi ng DAR-RO1 sa Lalawigan ng Ilocos Sur

Magsasaka at Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa Ilocos Sur ay tumanggap ng kagamitan at makinarya na nagkakahalaga ng Php5.2M mula sa Department of Agrarian Reform-Regional Office 1 (DAR-RO1) nito lamang Setyembre 15, 2022.

Isinagawa ang turn-over ceremony ng DAR RO1 sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP), sa siyam (9) na ARBOs mula sa munisipalidad ng Santo Domingo, San Juan, Cabugao, Narvacan, Santa Maria, Santa Cruz, Alilem at Candon City.

Dumalo sa aktibidad si Director Primo Lara, DAR, Ilocos Regional at mga Provincial Agrarian Reform Program Officers ng probinsya sa Rehiyon Uno, at iba pa nilang mga kawani.

Ayon kay Dir. Lara, ito ay pagpapakita sa publiko na lubos ang pagpapahalaga nila sa mga Agrarian Reform Beneficiaries.

Bahagi din ng kanilang programa ay ang magbahagi pa ng mga pagsasanay at seminars para lalo pang mapalawak ang kanilang kaalaman sa tamang paggamit sa mga makinarya.

Tatlong (3) sasakyan ang naibahagi para sa iba’t ibang ARBOs, isang (1) rice mill, isang (1) rice harvester, dalawang (2) palay threshers, tatlong (3) hand tractors, water pumps, diesel engines, at knapsack sprayers.

Nagpasalamat naman si Ginoong Maynganay, Cabaroan, Tinaan (MACATI) Rang-ay Farmers Agrarian Reform Cooperative, sa mga naibigay sa kanila at ipinangakong kanila itong iingatan.

Layunin ng CRFPSP na mapalago at mapabuti ang produkto at kapabilidad ng mga ARBOs sa pakikilahok na din sa kanilang organisasyon.

Source: PIA Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles