13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Php470M Bayombong Solano Mega Bypass Road, binuksan na ng DPWH Regional Office 2

Binuksan na ng Department of Public Works and Highways Regional Office 2 ang Php470.11M halaga ng Bypass Road sa lalawigan ng Nueva Vizcaya nito lamang ika-16 ng Pebrero 2023.

Ayon kay Regional Director Reynaldo Alconcel ang proyekto ay pinarangalan bilang isa sa pinakamahabang bypass road na may sukat na 6.202 kilometrong haba na may 13.4m carriageway width at 300mm thickness concrete.

Magdudulot ito ng labis na kaginhawaan sa mga motorista at pampublikong sasakyan maging ang pagdadala ng mga produktong agrikultural at komersyal mula sa probinsya patungo sa mga pangunahing sentrong pang-ekonomiya sa mga urban na lugar.

Ang bypass road ay may four lanes na nilagyan ng traffic light system, light posts, lay-by areas, bangketa, bisikleta at pedestrian lane, sa pamamagitan ng bypass road na mababawasan ng 40 hanggang 50 minuto ang biyaheng Nueva Vizcaya papuntang Metro Manila ng mga byahero araw-araw.

Ang nasabing proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Regular Infrastructure Program at ipinatupad sa ilalim ng Multi Year Contracting Authority (MYCA) para sa FY 2018-2022, ang super highway type alternate road ay magsisilbi ring turismo at recreational area para sa mga residente at bisita.

Source: DPWH Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles