Masayang tinanggap ng pamunuan ng Provincial Government of Cagayan ang tseke na nagkakahalaga ng Php45,060,000 sa Gasat Hall, Capitol Compound, Alimanao, Penablanca nitong araw ng Miyerkules, ika-12 ng Octubre 2022.
Ang nasabing halaga ay mula sa Department of Labor and Employment Region Office 2 na para sa “Tulong Panghanap-buhay para sa Disadvantaged/Displaced Workers” o TUPAD Program sa Cagayan.
Iginawad ni DOLE Regional Director Joel M. Gonzales at Assistant RD Jesus Elpidio B. Atal ang nsabing halaga at masayang tinanggap ni Dr. Manuel N. Mamba, Governor, Province of Cagayan.
Labis naman ang pasasalamat ni Governor Mamba sa kagawaran at sa mga pinuno nito na sina dating Secretary Silvestre Bello III at Secretary Bienvenido “Benny” E. Laguesma dahil sa walang humpay na paghahatid ng tulong sa mga Cagayano.
Isa aniya itong “high-impact” program ng pamahalaan dahil direktang naibibigay ang tulong sa mga higit na nangangailangan lalo na noong panahong pandemya at economic crisis.
Ang Php45M ay maipapamahagi sa mga mapipiling benepisyaryo ng TUPAD program ng DOLE sa iba’t ibang munisipalidad sa probinsya ng Cagayan.
Source: Cagayan PIO