20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Php36.5M halaga ng Agri-Machineries, handog ng DA Region 2 sa mga magsasaka

Naghandog ng Php36,500,000 halaga ng Agri-Machineries at post harvest equipment ang Department of Agriculture Region 2 sa 23 Farmer Cooperatives and Associations (FCA) nitong Miyerkules, Hulyo 27, 2022 na naganap sa Tuguegarao City, Cagayan.

Pinangunahan ang aktibidad ni Ginoong Narciso Edillo, Executive Director ng DA Cagayan Valley.

Tumanggap ang mga magsasaka ng mga tractors, combine harvesters, at hauling trucks na hinati-hati sa mga FCAs ng Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.

Nakatanggap ang mga magsasaka mula Cagayan ng Php13,700,000 halaga ng machineries, Php18,4000,000 naman sa Isabela, Php3,900,000 sa Quirino at Php424,000 sa Nueva Vizcaya na pinondohan sa ilalim ng Rice and Corn Programs.

Ayon kay Executive Director Edillo, layunin ng programang ito na pagandahin ang takbo ng sektor ng produksyon ng pagkain para sa mga Pilipino.

Source: DA Cagayan Valley

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles