20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Php300K halaga ng livelihood assistance handog sa mga dating rebelde ng Cagayan PSWDO

Pormal ng ibinigay ng Cagayan Provincial Social Welfare Development Office ang Php300,000 halaga ng livelihood assistance sa mga dating rebelde sa Provincial Capitol, Tuguegarao City, Cagayan nitong Hulyo 15, 2022.

15 dating rebelde ang nakatanggap ng Php20,000 na sari-sari store package bawat isa mula sa tulong ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army.

“Maraming salamat po sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, PSWDO, PNP, at sa kasundaluhan din ng 17ID sa tulong na ito. Malaking tulong ito para sa amin at sa aming pamilya. Asahan po ninyo na palalaguin namin ang pangkabuhayan na inyong ibinigay,” ani alyas Rodel na isa sa mga benepisyaryo na dating rebelde.

Pinasalamatan naman ng hanay ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa patuloy nilang pagsuporta sa kanilang mga programa para sa mga dating rebelde.

Source: 17th Infantry Battalion, Philippine Army

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles