Tinatayang nasa mahigit kumulang Php3, 750,000.00 halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy ang nirespodehan ng mga awtoridad sa Tuding, Itogon, Benguet nito lamang ika-15 ng Setyembre 2024.
Batay sa ulat, agad na tumugon ang mga tauhan Itogon Municipal Police Station-Police Community Precinct 1- Tuding at Bureau of Fire Protection-Itogon para puksain ang sunog sa bahay na pagmamay-ari ni Engineer Charles Bangdo.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Itogon, nagsimula ang sunog bandang 5:10 ng umaga at idineklara ang fire-out bandang 7:35 AM ni Fire Inspector Edgardo Reduca at walang naiulat na nasawi sa insidente dahil sa mabilisan pag-alis ng mga nakatira sa nasabing bahay.
Samantala, patuloy naman ang paalala ng mga PNP at bombero na alalahanin ang mga fire precautionary measures upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.