23.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Php3.6M Livelihood Assistance, iginawad

Ginawad ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang higit Php3.6 milyon na halagang tulong sa mga benipesyaryo ng programang Sustainable Livelihood Program (SLP) nito lamang Biyernes, ika-9 ng Pebrero 2024.

Ayon kay Sittie Cabugatan, benipisyaryo ng SLP, siya ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat dahil sila ay nabigyan ng oportunidad na magkaroon ng pagkakakitaan.

Ang programa ay mula sa ilalim ng congressional initiative ni Ilocos Norte 1st District House Representative Ferdinand Alexander “Sandro” A Marcos sa mga kwalipikadong indibidwal at asosasyon mula sa Bacarra, Sarrat, Pasuquin, Piddig, at Laoag City sa Ilocos Norte.

Ang mga kalahok sa programa ay bibigyan ng masinsinang pagbuo ng kakayahan at patuloy na pangangasiwaan ng programa upang matiyak na ang kanilang mga entriprises ay lumalaki at lumalago tungo sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Nais ng pamahalaan ng Ilocos Norte na maitaguyod ang mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan at maiangat ang kanilang kabuhayan.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles