Ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ay nag-turn-over ng farm machineries sa pamamagitan ng Rice Competitiveness and Enhancement Program (RCEF) sa 75 Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) kasama dito ang PGI, LGU-Alicia at Cauayan City na ginanap sa Isabela Sports Complex, Alibagu, City of Ilagan, Isabela noong ika-21 ng Pebrero 2023.
Naipamahagi ang mga naturang makinarya na magagamit sa pagpapatatag ng mga pananim, pag-aani at pagpapatuyo ng mga palay para sa mga qualified FCAs/LGUs na may RCEF na Pondo sa taong 2021 at 2022 na nagkakahalaga ng Php240.18 milyon, kasama na dito ang pagkuha at pag-deliver sa mga ito.
Kasama din sa mga ipinamahagi ang multi-stage rice mill, hand tractor, walk-behind transplanter at riding type transplanter.
Ang Provincial Board Member na si Hon. Emmanuel Joselito B. AƱez na pinangatawanan si Gov. Rodito Albano III ay nagpahayag ng pasasalamat sa Department of Agriculture at PhilMech sa kanilang suporta sa mga magsasaka sa lalawigan ng Isabela.
Ipinahayag naman ni Joel V. Dator, pansamantalang Director for Operations ang mensahe ni PHilMech Director Dionisio G. Alvindia na, āNais naming ang mga pinakabago, pinakamaganda, branded, at tunay na mapakikinabangan lamang na makinarya ang umabot sa inyong mga samahan,” dagdag na niya, ang PhilMech ay patuloy na nagpamahagi ng mga kagamitan sa pagsasaka para sa mga qualified FCAs/LGUs sa pamamagitan ng RCEF hanggang sa taong 2024.
Hinikayat naman ni Dir. Dator ang mga magsasaka ng Isabela na suportahan ang Youth for Mechanization o Y4M at PhilMech campaign para sa pagbabago ng imahe ng agrikultura at pappapatuloy na pagtangkilk sa paggamit ng mga naturang makinarya.
Samantala, si DA Regional Executive Director Narciso Edillo naman ay ipagpatuloy ang ugnayan sa National Irrigation Administration para sa sabayang pagpapawala ng tubig na siyang nagpapatatag sa produksyon ng palay.
Hinikayat din niya ang mga magsasaka na gumamit ng hybrid rice varieties na makakatulong sa pagpapadami ng ani at ang direct seeding na tinatayang makatipid sa gastusin.
Lubos namang nagpasalamat si Julie F. Madrid, Manager ng Payoga/Kapatagan Farmerās Cooperative sa DA-PhilMech. Pahayag niya, āMakakaasa kayong gamitin namin ng mabuti ang mga makinaryang ito para maitaas ang ani, mapaliit ang gastos at mapalaki ang kita naming mga magsasaka.ā