17.5 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

Php142K halaga ng Narra Flitches, nasabat sa Mt. Province

Nasabat ng mga otoridad ang tinatayang Php142,309.781 halaga ng Narra Flitches sa Barangay Bantay, Paracelis, Mountain Province nito lamang ika-24 ng Agosto 2024.

Batay sa ulat, nagtulungan ang mga tauhan ng Paracelis Municipal Police Station, 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company at Community Environment and Natural Resources Office of the DENR-Paracelis matapos makatanggap ng impormasyon sa isang concerned citizen ukol sa umano’y transportasyon ng Narra Flitches mula sa Natalapan, Bantay, Paracelis patungo sa Poblacion, Paracelis, Mountain Province.

Nagpositibo ang operasyon matapos naharang at naberipika ang isang blue-violet Mitsubishi Space Gear at isang gray Mitsubishi Delica van na may laman ng mga pinutol na 54 Narra Flitches na may kabuuang sukat na 1,067.35 board feet na may iba’t-ibang laki at dimensyon na tinatayang may market value na Php142,309.78.

Bigo naman ang isang nahuling indibidwal na magbigay ng kinakailangang dokumento na nag-udyok sa mga tauhan ng pulisya at CENRO na arestuhin ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag ng PD705.

Muling pinapaalalahanan ng mga otoridad na mahigpit na ipinagbabawal ang iligal na pagtotroso at may kaukulang parusa sa ilalim ng PD 705.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles