Nakatanggap ang mag-asawang dating rebelde ng Php130,000 sa patuloy na isinasagawang E-CLIP Program ng pamahalaan na ginanap sa Hotel Carmelita, Tuguegarao City noong Biyernes, Marso 25, 2022.
Kinilala ang mag-asawa na sina aka Harold at aka Linda, may anak na isang taong gulang at tatlong buwan pa lamang, at kasalukuyang naninirahan sa bayan ng Sto. Nino, Cagayan.
Ang E-CLIP program ay serbisyo at financial assistance na ibinibigay sa mga kwalipikadong rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Samantala, labing walo naman sa tatlumpu’t pitong mga dating rebelde ang pasok na sa nasabing batayan para sa E-CLIP program.
Ang programa ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensya mula sa Department of the Interior and Local Government, Provincial Social Welfare and Development Office, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Marines, Philippine Information Agency 2, at Philippine National Police.
Ito ay isang nakikitang solusyon upang matuldukan na ang suliraning insurhensiya hindi lamang sa Hilagang Luzon maging sa buong bansa.