Pinasinayaan at binasbasan ang Php10 milyong halaga ng mga proyekto ng Provincial Government of Cagayan (PGC) sa bayan ng Baggao, Cagayan noong Nobyembre 25, 2022.
Ang mga proyektong ito ay ang rehabilitation at pagsasaayos ng Sub-motorpool sa Barangay San Jose, Baggao, Cagayan.
Pinangunahan ni Gov. Manuel N. Mamba ang aktibidad kasama ang Punong Barangay ng San Jose na si Myrna Rodriguez Claravall, Barangay Chairman Sydie P. Tabilas ng San Isidro, Msgr. Jerry Perez ng Saint Joseph Parish, 1st District Board Member Atty. Romeo Garcia, SB Member Roy Dumayag, at mga department head ng Kapitolyo.
Sa mensahe ni Governor Mamba sa mga mamamayan ng Baggao na sana ay magtulungan na ibalik ang ganda na dati ay mayroon ang bayan ng Baggao.
Dagdag pa nito, sayang umano ang bayan dahil nasira na ito dahil inabuso.
Inihalimbawa ng ama ng lalawigan ang mga kabundukan kung saan nagkaroon ng conversion mula forest land na ginawang agricultural land at tinaniman ng mais.
Napansin rin umano ni Gov. Mamba na natamnan na naman ng mais ang mga gilid ng daan na posibleng ikasira nito.
“Tingnan niyo sa ibang bansa, new growth forest, massive tree planting. Haan kuma nga imula tapos agpapicture laeng ti ubraen tayu. Isubli tayu ti pintas ti ili iti Baggao. Nagpintas ti Baggao. You are full of resources and yet you are destroying it,” aniya ng Gobernador.
Source: Cagayan PIO