22.7 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Php1.5M tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE-Apayao

Ang Department of Labor and Employment-Apayao (DOLE) ay nagkaloob ng Tulong Pangkabuhayan sa Timpuyog Ti Shalom Association sa Shalom, Luna, Apayao noong Agosto 22, 2024.

Ang seremonya ay dinaluhan nina PESO Manager ng Luna na si Gng. Rose T. Bautista, G. Marcelo Saleo-an Jr., DOLE Focal Person, at mga konseho ng barangay ng Shalom.

Ang tulong ay nagkakahalaga ng Php1,500,000 sa anyo ng isang combine harvester.

Tinatayang 60 miyembro ng Timpuyog Ti Shalom Association ang makikinabang sa nasabing tulong pangkabuhayan.

Ang combine harvester ay isang mahalagang kagamitan para sa produksyong agrikultural ng samahan, na may layuning mapadali ang proseso ng pag-aani, mapabuti ang kalidad ng ani, at mapataas ang produktibidad tungo sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles