13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

PHO, nagsagawa ng Hand Hygiene Advocacy Campaign sa Allacapan, Cagayan

Matagumpay na nagsawa ng Hand Hygiene Advocacy Campaign ang mga kawani ng Provincial Health Office sa Allacapan Municipal Gymnasium, Allacapan, Cagayan noong ika-28 ng Nobyembre 2024.

Pinangunahan ni Dr Rebecca Battung, Provincial Health Officer ang nasabing aktibidad, katuwang ang suporta ng mga mag-aaral ng elementarya at sekondarya ng nasabing bayan.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang kahalagahan ng kalinisan sa sarili at paraan upang mabawasan ang mga impeksiyon na nauugnay sa pangangalagang pangkalusugan na nagbigay ng karagdagang kaalaman sa 200 kalahok.

Ang programang ito ng pamahalaan ay naglalayong ipaalala sa mga kabataan ang kahalagahan ng tamang paghugas ng kamay at itaguyod ang kahalagahan ng tamang kalinisan bilang pangunahing hakbang laban sa pagkalat ng iba’t-ibang uri ng sakit.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles