18.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

PHO-Cagayan, pinangunahan ang 5 Day SFA-BLS Training

Pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO)-Cagayan ang limang araw na Basic Life Support (BLS) at Standard First Aid (SFA) training na ginanap sa Mayor’s Office, Municipall Hall, Aparri, Cagayan na nagsimula noong Abril 15 at magtatapos sa Abril 19, 2024.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng 25 kalahok na mula sa Municipal Health Office (MHO)-Aparri sa pamamagitan ng Health Emergency Response Team ng PHO.

Personal na nagtungo si Dr. Rebecca Battung, Acting Provincial Health Officer ng PHO upang saksihan ang nasabing aktibidad.

Itinuro sa mga dumalo ang mga tamang kaalaman sa pagresponde sa panahon ng emergency tulad ng pagbibigay ng first aid, Cardiopulmonary Resuscitation (CPR), at iba.

Sa mensahe ni Dr. Battung, ang kahalagahan ng papel ng mga kalahok sa pagresponde sa panahon ng anumang kalamidad at sakuna. Pinaaalalahanan din nito ang lahat sa “basic protocol” sa pagresponde ng anumang emergency situation at pagsagip ng buhay.

Layon ng naturang aktibidad na mapahusay pa ang kaalaman ng mga frontliner lalo na sa panahon ng pagtugon ng sakuna at kalamidad.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles