22.3 C
Baguio City
Thursday, January 23, 2025
spot_img

PH at Germany nagkasundo na pagandahin ang kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan

Tinalakay ng Pilipinas at Alemanya ang mga paraan kung paano mapapalakas ang kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa sa ikalawang araw ng tatlong araw na working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Berlin.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang Germany ang ika-11 trading partner ng Pilipinas noong 2023 at naging malaking pinagkukunan ng foreign direct investment habang malugod din niyang tinanggap ang pagkakaroon ng mga negosyong Aleman sa bansa tulad ng Siemens, Lufthansa, Deutsche Bank, Bayer at Bosch, at iba pa.

Itinampok din ng punong ehekutibo ang malakas na pananaw ng Pilipinas sa ekonomiya na may GDP growth rate na 5.6 porsiyento noong 2023, na nananaig sa mga ekonomiya sa Asya dahil sa malakas na domestic consumption, na suportado ng magkakaibang labor market, lumalagong industriya ng serbisyo at remittances.

“Ang pamumuhunan sa Pilipinas ngayon ay mas kaakit-akit na opsyon dahil sa mga repormang legal na nagpapahintulot sa ganap na pagmamay-ari ng mga dayuhan sa ilang sektor tulad ng riles, paliparan, expressway, telekomunikasyon, at renewable energy,” ani Pangulong Marcos.

Binigyang diin din ni Pangulong Marcos ang mga pagsisikap ng pamahalaan ng Pilipinas sa paghahanap ng mga paraan upang mapalakas pa ang pakikipagtulungan sa ekonomiya sa Alemanya, tungo sa magandang kooperasyong pang-ekonomiya.

“Gusto ng Pilipinas na makipagtulungan sa mga larangan ng manufacturing, construction at infrastructure, IT BPM, innovation at startups, pati na rin ang renewable energy at minerals processing.,” ani Pangulong Marcos.

Ang Alemanya ang nangungunang pinagkukunan ng foreign-approved investments, na nag-aambag ng malaking USD 7 bilyon, o Php393.55 bilyon sa unang siyam na buwan ng 2023.

Source: PND

Photo Courtesy by PCO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles