17.6 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

PGen Azurin nagpaabot ng tulong pinansyal sa pamilya ni PLtCol Serna

Personal na bumisita at nagpaabot ng tulong pinansyal si Police General Rodolfo S Azurin Jr, Chief, Philippine National Police sa pamilyang naiwan ni Police Lieutenant Colonel Marlon G Serna, dating Hepe ng San Miguel Municipal Station na nakahimlay sa Sta. Rosa, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, ika-29 ng Marso 2023.

Matatandaan na ibinuwis ni PLtCol Serna ang kanyang sariling buhay upang gampanan ang kanyang sinumpaang tungkulin. Habang nagsasagawa ng follow-up operation ang grupo ni Serna nang namataan ng mga suspek ay bigla na lamang pinaputukan at tumama ang bala sa ulo nito na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ginawaran ni PGen Azurin ng Medalya ng Kagitingan o Medal of Valor. Ito ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng PNP.  

Sinisiguro naman ni PGen Azurin na makakatanggap ng kaukulang benepisyo ang pamilyang naiwan at scholarship para naman sa dalawang naulilang anak.

Patuloy naman ang panawagan ng PNP sa mga mamamayan na ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sa may impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng mga suspek na sa ngayon ay may Php1.2 milyong halaga na patong sa ulo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles