20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

PGC, namahagi ng bagong sasakyan sa 48 Barangay sa Bayan ng Baggao, Cagayan

Labis ang pasasalamat ng 48 Barangay sa bayan ng Baggao, Cagayan sa ipinamahaging brand new utility vehicle (multi-cab type) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan mula sa programang No Barangay Left Behind (NBLB) ni Governor Manuel Mamba.

Pinangunahan ni Gobernador Manuel N. Mamba ang turn-over ceremony ng mga bagong sasakyan katuwang ang Ginang ng Cagayan na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, 3rd District Board Member Rodrigro De Asis, 1st District Board Member Romeo Garcia, Chief of Hospitals; Ret. General Edgar ‘Manong Egay’ Aglipay gayundin ang mga department heads, at consultants ng Kapitolyo ng Cagayan. (Rachell Galamay) noong, ika-30 ng Disyembre 2024 na ginanap sa Leonardo N. Mamba Memorial Gymnasium.

Sa mensahe ng Ama ng Lalawigan, pinaalalahanan nito ang bawa’t opisyales na gamitin ang kanilang boses sa paggawa ng tama at malinis na paggogobyerno, gayundin sa pagpili ng nararapat na lider hindi lamang para sa kanilang pansariling interes nguni’t higit para sa kinabukasan ng kanilang nasasakupan at siniguro rin ng Gobernador na lahat ng barangay sa probinsiya ng Cagayan ay mabibigyan ng sasakyan na magagamit sa kanilang mga trabaho lalo na sa pagbibigay serbisyo sa bawa’t Cagayano.

Samantala, kasabay ng isinagawang turn-over ceremony ng mga sasakyan, nagpapatuloy parin ang distribusyon ng tulong-pinansyal sa mahigit 400 na barangay sa probinsiya ng Cagayan sa ilalim pa rin ng programang NBLB.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles