18 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

PGC at iba pang ahensya ng gobyerno, naghatid ng tulong sa Baggao, Cagayan

Naghatid ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng isinagawang Serbisyo Caravan sa Sitio Valley Cove, Tabugan at Linawan ng Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan noong ika-20 ng Hunyo 2024.

Katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang Department of Interior and Local Government, Cagayan Provincial Health Office, 95th Infantry Battalion ng 502nd Infantry Brigade, Philippine Army, Department of Social Welfare and Development, Baggao Police Station, Technical Education Skills and Development Authority, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine Statistics Authority, Department of Information and Communications Technology, National Intelligence Coordinating Agency, Department of Education, Sierra Falcones at mga opisyal ng nasabing barangay.

Itinampok sa nasabing aktibidad ang libreng bunot ng ngipin, libreng serbisyong medikal, libreng gupit, pamimigay ng food packs, libreng seedlings, libreng medisina, libreng tsinelas, laruan, damit at libro, pamamahagi ng grocery items, fishing gear at generator set na ipinamahagi ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang pagsasagawa ng national ID registration, birth certificate, at feeding program na nakapagbenepisyo sa mahigit 200 na pamilya.

Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pagbibigay serbisyo maging sa kasuluk-sulukang bahagi ng probinsya para sa pantay-pantay na serbisyong handog sa Cagayano.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles