Nagsagawa ng tatlong araw na capacity building at livelihood project ang Lokal na Pamahalaan ng City of San Fernando, La Union para sa mga Persons Deprived of Liberty sa Bureau of Jail Management and Penology Function Hall.
Tinuruan ang mga kalahok sa nasabing aktibidad kung paano mag manicure, pedicure, foot spa, at pagtatahi.
Layunin ng aktibidad na bigyan ng kakayahang teknikal ang mga PDL nang sa gayon ay pag sila ay lumaya na, maaari nila itong gamitin na hanapbuhay upang pagkakitaan at makatulong sa kanilang pamilya.
Pinagkalooban din ang mga PDL ng Lokal na Pamahalaan ng City of San Fernando, La Union ng portable sewing machine, sewing kits, manicure and pedicure kits, at spa machines.
Samantala, patuloy naman ang Lokal na Pamahalaan ng City of San Fernando, La Union sa pagsasagawa ng mga aktibidad at proyekto na makakatulong sa kanilang nasasakupan upang mas gumanda at gumaan ang kanilang pamumuhay.
Source: City Government of San Fernando, La Union