16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

People’s Day, ipinagdiwang sa Apalit, Pampanga

Makabuluhang ipinagdiwang ang People’s Day sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng serbisyo ng Pamahalaan ng Apalit para sa mga residente ng Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga nito lamang Biyernes, ika-9 ng Agosto 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ni Hon. Jun Tetangco, Mayor ng Apalit katuwang ang mga namumuno sa barangay na pinangungunahan ni Hon. Lazaro B. Isip Jr., Barangay Captain, at Hon. John Dhainielle Jarlego, SK Chairperson.

Sa naturang aktibidad ay naihatid ang serbisyong pangkalusugan tulad ng General Consultation, tooth extraction, Non-Communicable Disease Assessment, cervical cancer screening at Philhealth Caravan. Bukod dito, naghatid din ng libreng serbisyo sa pagkuha ng marriage, death at birth certificate.

Naipamahagi din ang munting tulong pinansyal sa mga senior citizens, PWDs at mga solo parent. Nagkaroon naman ng job fair para sa mga residente na naghahanap ng trabaho maging ang konsultasyon tungkol sa agrikultura.

Nasa higit 1,000 residente ang nabigyan ng benepisyo at nahatiran ng saya at pag-asa sa nasabing programa.

Patuloy ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at pribadong grupo sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo sa mga komunidad upang maipadama sa kanila ang malasakit at tunay na serbisyong handog ng pamahalaan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles