21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

PDRRMO, nagsagawa ang Rescue at Road Clearing Operation sa Ilocos Norte matapos ang paghagupit ng bagyong Neneng

Nagsagawa ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng rescue at road clearing operation sa ilang bayan ng lalawigan ng Ilocos Norte matapos ang paghagupit ng bagyong Neneng nito lamang Lunes, Oktubre 17, 2022.

Ang naturang road clearing operation ay puspusang isinagawa kasama ang mga pulis at lokal na opisyal sa mga bayan ng Pagudpud, Piddig, Vintar, Solsona, Dingras, Banna, Siyudad ng Laoag at Batac para tanggalin ang mga natumbang puno dulot ng malalakas na hanging dulot ng bagyong Neneng.

Batay sa monitoring ng PDRRMO, isinara rin sa trapiko ang Sitio Banquero, Barangay Pancian, Pagudpud at Tamdagan Bridge Vintar dahil sa mataas na tubig at pagguho ng lupa na sanhi ng bagyong Neneng at pansamantalang isolated area naman ang Bayan ng Adams.

Ayon din sa Ilocos Norte Provincial Irrigation System, tumaas ang lebel ng tubig sa Madongan Dam sa bayan ng Dingras at pati mga bridges ng ilang bayan ng lalawigan ay halos lampas na ng tubig kaya pinalikas sa evacuation center ang mga ilang residente na naapektuhan.

Samantala, idineklara ni Hon. Matthew Marcos Manotoc, Governor ng Ilocos Norte ang kanselasyon ng mga klase sa elementarya at sekondarya sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa nasabing lalawigan kahapon, Oktubre 17, 2022, dahil sa nasabing bagyong Neneng.

Source: Headlines Ilocos

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles