Tulong-tulong ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council-Kalinga sa pagkakarga ng relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong “Paeng” sa probinsya ng Apayao nito lamang Miyerkules, Nobyembre 2, 2022.
Katulong ang mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, Kalinga Police Provincial Office, PNP Special Action Force, Bureau of Fire Protection-Kalinga, Philippine Army at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Kalinga.
Ang nasabing relief goods ay inilagay sa helicopters ng ating kasundaluhan upang mas mabilis ang transportasyon at pamamahagi ng agarang tulong para sa mga pamilyang apektado ng Typhoon “Paeng”.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong matulungan ang mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng nagdaang sakuna at ipakita ang bayanihan spirit na likas na sa ating mga Pilipino.