Sa mataimtim na pagdiriwang ng Biyernes Santo, ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ay nakilahok sa Stations of the Cross na isinagawa sa Baguio City Jail Male Dormitory, Baguio City nito lamang Abril 18, 2025.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng dedikadong Volunteers in Prison Services (VIPS) katuwang ang Welfare and Development Section kung saan itinayo ang 14 na istasyon ng krus sa loob ng pasilidad—bawat isa ay kumakatawan sa isang mahalagang sandali sa Passion of Jesus Christ.
Sa paglalakbay ng PDLs sa bawat istasyon, ginagabayan ng mga panalangin at pagmumuni-muni, nabigyan ng pagkakataong huminto at makipag-ugnayan muli sa kanilang pananampalataya.
Ayon sa pamunuan ng BJMP Baguio, ang isinagawang lakbay alalay ay bahagi ng patuloy na pinaninindigan ng Baguio City Jail Male Dormitory sa pangako ng Bureau of Jail Management and Penology sa moral at espirituwal na pag-unlad ng bawat taong nasa pangangalaga nito.
Ang aktibidad ay nagsilbi hindi lamang isang espirituwal na karanasan kundi bilang isang makapangyarihang paalala ng pagtubos, pagpapatawad, at pag-asa.

