16.2 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

PDLs at CICL nagtapos na sa  kanilang pag-aaral sa loob ng Nueva Vizcaya Provincial Jail

Hindi bababa sa 38 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) at Children in Conflict with the Law (CICL) ang nagtapos ng kanilang pag-aaral sa loob ng Nueva Vizcaya Provincial Jail noong Agosto 18, 2022.

Sinabi ni Provincial Jail Warden Carmelo Andrada na 18 sa mga PDL ang nakatanggap ng kanilang Junior High School certificates of completion, habang ang 20 na iba pa ay naka-enroll sa Senior High School (SHS) na kumukuha ng TVL-Electrical Installation and Maintenance para sa School Year 2022-2023.

Ang mga PDL ay nagtapos ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) na iniaalok sa loob ng Nueva Vizcaya Provincial Jail (NVPJ), isang partnership program sa Department of Education (DepEd).

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyal ng DepEd sa pamumuno ni Dr. Rachel Llana, Schools Division Superintendent at Board Member Patricio Dumlao, Jr., at iba pa.

Ito ay alinsunod sa patuloy na programa ng NVPJ at DepEd tungo sa pagpapaunlad ng academic competence ng PDLs/CICLs sa ilalim ng  pangangalaga ng NVPJ, Moving Up at Senior High Scool launching Ceremonies para sa ALS completer na may temang: Gradweyt ng K -12 Masigasig sa mga pangarap at matatag sa mga pagsubok.

Ang Certificate of Appreciation at woodcrafted token na ginawa ng mga PDL ay ipinagkaloob sa mga panauhin para sa kanilang oras, suporta at pagsisikap para sa mga PDL-completers at enrolees na may taos-pusong pasasalamat mula sa nasabing Provincial Jail.

Source: PIA Nueva Vizcaya

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles