13.4 C
Baguio City
Thursday, January 23, 2025
spot_img

PDL, sugatan sa tangkang pagtakas sa Baguio City

Sugatan ang isang Person Deprive of Liberty (PDL) nang magtamo ng tama ng bala dahil sa tangkang pagtakas sa Baguio City Jail nito lamang ika-25 ng Nobyembre 2022.

Ayon sa Baguio City Police Office-Station 7, sinamahan umano ng jail officer ang PDL sa Parole and Probation Office sa Ground Floor ng Baguio Justice Hall para sa assessment, ngunit nang pabalik na sa Baguio City Jail ay bigla na lamang tumakbo ng mabilis ang PDL at nagtangkang tumakas kaya napilitang barilin ito at tumama sa kaliwang paa.

Agad dinala ang PDL sa pagamutan na ngayon ay nasa maayos na kalagayan at hinihintay na lamang ang pahintulot ng doktor kung kailan ito maaaring ibalik sa kulungan.

Ang PDL ay isang 39-anyos na lalaking may kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles