22.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

PDL ng Tabuk District Jail, sumailalim sa libreng Medical at Dental Check-up

Tumanggap ng libreng Medical at Dental Check-up ang mga Persons Deprived of Liberty o PDL mula sa Bureau of Jail Management and Penology sa Tabuk District Jail, Purok 6, Tabuk City, Kalinga nito lamang Nobyembre 25, 2022.

Samu’t saring serbisyong medical gaya ng libreng oral examination, tooth extraction, health education at oral health assessment sa mga detainees ang inihandog ng mga Jail Officers kasama ang mga dental practioners mula sa Kalinga Provincial Medical and Dental Unit at private sectors.

Bukod pa rito, ang mga PDL ay tumanggap ng bigas at milk powder sa tulong na handog ni Ms. Freda Jensen, Service Provider.

Samantala, labis ang tuwa at pasasalamat ng mga benepisyaryong PDLs sa pagmamalasakit na ipinamalas ng pamahalaan sa kanila.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles