20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

PDEA Rehiyon Dos sinubaybayan ang 18th CBAIDA Training of Trainers sa Lasam, Cagayan

Muling sinubaybayan ng Philippine Drug Enforcement A gency (PDEA)Regional Office II -Regional Barangay Drug Clearing Program  at Batanes Provincial Office Teams ang 18th Community Based Anti-Illegal Drug Advocacy (CBAIDA) Training of Trainers na ginanap sa TESDA, Lasam Institute of Technology, Nabannagan West, Lasam, Cagayan noong Hulyo 12, 2022.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng 60 CBAIDANs na binubuo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Chairmen ng 30 drug-cleared barangays, tauhan ng Lasam police Station, Medical Health Office ng Lasam, Municipal Social Welfare and Development Office, BS Focal Person, Bureau of Fire Protection , DepED, Faith-Based Organizations, Sangguniang Kabataan, KKDAT- Lasam Chapter , Liga ng mga Barangay, LGU at DILG.

Ang Munisipyo na may 30 drug-cleared barangay, ay nakakumpleto na ng mga inisyal na kinakailangan para maideklara bilang Drug-Cleared Municipality.

Ang pagpapalakas sa kanila sa pamamagitan ng pagsasagawa ng CBAIDA Training of Trainers ay upang maging matatag at maisakatuparan sa kani-kanilang mga ahensya ang layunin ng PDEA.

Ang mga CBAIDAN ay force multipliers ng PDEA para sa pagpapanatili ng drug-cleared status ng mga barangay sa nasabing munisipalidad.

Source: Lasam PS/ PDEA II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles