Pinangunahan ni President Ferdinand “Bong-bong” R. Marcos Jr. ang Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming 2023 na kung saan daan-daang alumni ang dumalo na ginanap sa Borromeo Field, Fort Del Pilar, Baguio City nito lamang Sabado, Pebrero 18, 2023.
Ang aktibidad ay may temang “PMA Cavaliers: Sama-sama sa Pag-unlad sa Kabila ng Pandemya at Kalamidad” na pinangunahan ni Pangulong Marcos, Jr. bilang Commander-in-Chief at Panauhing Pandangal.
Tampok sa nasabing aktibidad ang pagbibigay parangal sa Lifetime Achievement Awardees, Cavalier Awardees, Cavalier Pandemic Heroes Awardees at ang 2023 PMA Jubilarians.
Pinangasiwaan din ng Commander-in-Chief ang Oath-taking ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. (PMAAAI) Board of Directors at mga bagong opisyal. Sa loob ng mahigit 100 taon sa kasaysayan, ang PMA ang nagsisilbing pangunahing military institution at training ground sa ating bansa para sa mga naghahangad na maging opisyal ng Armed Forces of the Philippines.