23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

PBBM pinangunahan ang pagtatapos ng PMA MADASIGON Class 2023

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang pagtatapos ng Philippine Military Academy (PMA) ‘MADASIGON’ (Mandirigmang May Dangal Simbolo ng Galing at Pagbangon) Class of 2023 sa Fort General Gregorio Del Pilar in Baguio City nito lamang Mayo 21, 2023.

Ito ang unang pagdalo ni Pangulong Marcos Jr. sa PMA graduation bilang Commander-In-Chief.

Pinangunahan din ng pangulo ang awarding rites sa 310 kadete na nagsipagtapos na binubuo ng 238 na lalaki at 72 na babae.

Ang nasabing mga kadete ay itatalaga sa tatlong sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan 158 ang mapupunta sa Philippine Army (PA), 77 sa Philippine Navy (PN) at 75 naman sa Philippine Air Force (PAF).

Itinanghal bilang Class Valedictorian si Cadet 1CL Warren Leonor, na tubong Lipa City, Batangas, na nakatanggap ng 14 na parangal kabilang na ang Presidential Saber Award mula sa Commander-In-Chief.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na bilib siya sa pinakitang pagpupursigi ng mga nagsipagtapos na dugo at pawis ang puhunan para malampasan ang mga hamon at pagsubok sa PMA Academy.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles