16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

PBBM, Pangunahing Pandangal sa PMA “Bagong Sinag” Class 2024 Commencement Exercise

Dumalo bilang pangunahing pandangal ang Presidente ng Republika ng Pilipinas, Ferdinand R. Marcos Jr., sa pagtatapos ng Philippine Military Academy “Bagong Sinag” Class 2024 na ginanap sa Fort del Pilar, Baguio City nito lamang Sabado, Mayo 18, 2024.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang nasabing seremonya kung saan nagtapos ang kabuuang 278 na Kadete at nabigyan ng mga espesyal na parangal ang mga nanguna at karapat-dapat na mga Kadete.

Samantala, hinirang si Cadet First Class Jeneth Elumba mula Surigao City bilang ikapitong babaeng naging valedictorian sa kasaysayan kung saan tumangGap ito ng mga parangal gaya ng Presidential Saber, Philippine Army Saber, Joint United States Military Assistance Group Saber, Australian Defense Best Overall Performance Award, Tactics Group Award, at pagiging Magna Cum Laude.

Sa kanyang mensahe, iniutos PBBM sa Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines na balikan ang PMA curriculum para mabigyan ang mga kadete ng kakayahan para malabanan ang disinformation at infiltration na bahagi ng modern warfare.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang papel ng mga nagsipagtapos na Kadete sa kanilang pagharap sa mga posibleng banta sa seguridad at pagkakaisa ng mga Pilipino.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles