15.1 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

PBBM namahagi ng Php50M na ayuda sa mga magsasaka at mangingisda ng Pangasinan

Personal na dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa distribusyon ng Php50 milyong cash assistance sa humigit-kumulang 5,000 magsasaka, mangingisda, at livestock raisers na naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Sa programa na ginanap sa Narciso Ramos Sports and Civic Center nito lamang ika-22 ng Nobyembre 2024, bawat benepisyaryo ay tumanggap ng Php10,000 mula sa Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF).

Karamihan sa mga benepisyaryo ay mula sa unang distrito na may kabuuang 1,485; samantalang mayroong 887 mula sa ikalawang distrito; 552 mula sa ikatlong distrito; 941 mula sa ikaapat na distrito; 886 mula sa ikalimang distrito; at 249 naman mula sa ikaanim na distrito.

Bukod sa ayuda, inatasan ng Pangulo ang Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magbigay pa ng dagdag na suporta tulad ng buffer seeds at pansamantalang pabahay para sa mga nawalan ng tirahan.

Nagpasalamat si Governor Ramon Guico III sa Pangulo sa pagdala ng PAFFF program sa Pangasinan at tiniyak ang tuloy-tuloy na rehabilitasyon para sa sektor ng agrikultura ng lalawigan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles