16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Pay-out sa mga benepisyaryo ng Risk Resiliency Program ng DSWD, isinagawa

Matagumpay na isinagawa ang pay-out sa mga benepisyaryo ng Risk Resiliency Program ng DSWD Field Office 3 matapos makumpleto ang tatlong parte ng implementasyon ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) na naganap sa munisipyo ng Botolan, Zambales nito lamang ika-19 ng Agosto, 2024.

Nasa 700 na benepisyaryo ang lumahok sa 20-day Cash-For-Training at Cash-For-Work na sumailalim sa komprehensibong pagsasanay na sumasaklaw sa pagbawas ng panganib sa sakuna, pagbagay sa pagbabago ng klima, at mga praktikal na kasanayan para sa pag-ani ng tubig, paghahalaman, vermicomposting, at hydroponics.

Sa kanilang pagtatapos sa programa, nabigyan ng nasa Php9,200 bilang panimula sa kani-kanilang proyekto.

Mahalaga ang proyektong sa paglaban sa pagbabago ng klima at nagbibigay ng sustainable na mapagkukunan ng pagkain, habang ang sistema ng pag-ani ng tubig ay tumutulong na mabawasan ang tagtuyot at kakulangan sa tubig.

Prayoridad ng pamahalaan ang paghahatid ng serbisyo upang lahat ay mabigyan ng pantay-pantay na karapatan at matugunan ang pangangailangan sa lahat ng aspeto.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles