20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

PAWIKAN HATCHLINGS, PINAKAWALAN SA ILOCOS SUR

Sa kasalukuyan, isangdaan at animnapu’t dalawang (162) pawikan hatchlings na ang pinakawalan ng local na pamahalaan ng Brgy. Bia-o, Sta. Maria, Ilocos Sur na pinangungunahan ni Punong Brgy. Josefino Cappal. Jr.  Ang mga naturang pawikan ay kabilang sa Olive Ridley Specie na mas kilala sa tawag na Pacific Ridley Sea Turtle.

Ayon kay Punong Brgy. Cappal, pinaniniwalaang maganda ang naidudulot ng kanilang pangangalaga sa mga pawikan dahil sa naobserbahan nilang panunumbalik ng sigla ng mga bahura sa kanilang lugar. At ang ibig sabihin nito ay babalik din ang mga isda at mamamahay sa mga nasabing bahura. Ang isa pang kagandahang dulot ng kanilang pangangalaga sa mga pawikan ay ang paglago ng turismo sa kanilang lugar sa kadahilanang dumadami ang ang mga turistang lokal at dayuhan na dumadayo para masaksihan ang pagpapakawala ng mga hatchlings.

Ayon pa kay Punong Brgy. Cappal, may mga tinatawag na “Pawikan Parent/s” sa kanilang lugar. Ang mga ito ay ang mga nakakadiskubre at nangangalaga sa mga nesting sites. Binibigyan ng Lokal ng Pamahalaan ng Sta. Maria ang mga ito nga dalawang libong piso (Php. 2000.00) at dinagdagan naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur ng isandaang piso (Php. 100.00) sa bawat mapisang itlog pagkatapos madukomento ng DENR. Maituturing na malaking tulong ito sa mga miembro ng pamayanan ng Bia-o lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Isinulat ni: Malayang Kaisipan

Source: Sta. Maria, Ilocos Sur Tourism

Previous article
Next article

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles