Pinangunahan ni Senator Imee Marcos ang paglulunsad ng “Pasasalamat sa mga Barangay” sa pamamagitan ng Community Pantry at libreng pagkain sa Brgy. Baay, Batac nitong Martes, Hunyo 7, 2022.
Ayon kay Hon. Albert D Chua, City Mayor, tinatayang 1,000 residente ng bawat barangay ang nabigyan ng kumpletong pagkain na binubuo ng bigas, manok, isda at gulay gayundin ang sariwang isda at ani ng sakahan tulad ng upo, kalabasa, sayote, lettuce at iba pang gulay na ipinagkaloob naman ng Department of Agriculture (DA).
Dagdag pa ni Mayor Chua, ito ay sa ilalim ng programang ‘Kadiwa, Pasasalamat at Ugnayan’ na inorganisa ni Sen. Imee Marcos at sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture at mga opisyal ng nasabing barangay upang mamahagi sa mga nangangailangan lalo na ang kanilang mga kabarangay.
“Ito ang aming munting paraan ng pasasalamat sa mga tao sa kanilang walang patid na suporta na nagdulot ng tagumpay nina Pangulong BBM at Bise Presidente Inday Sara,” pahayag ni Sen. Imee Marcos.
Dagdag pa niya na napakaraming trabaho ang dapat gawin para sa ikabubuti at pagkakaisa ng buong bansa dahil utang nila ang lahat sa mga tao at ang kanilang pangunahing layunin ay ang paglingkuran ang bayan.
Source: SB Kitchel G. Pungtilan