13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Paraiso sa gitna ng Sierra Madre, ang Dupinga River ng Nueva Ecija

Dupinga na dating kilala bilang Sabani ay isang malayong paraiso sa gitna ng Sierra Madre Mountains sa Gabaldon, Nueva Ecija.

Nakamamanghang tanawin na napapalibutan ng mga luntiang puno at bundok gayundin ang ilog na matatagpuan sa Gabaldon, Nueva Ecija.

Ang tunog ng rumaragasang ilog ay animo’y isang napakagandang ritmo na nagbibigay ingay sa paligid. Ayon sa mga nakarating na rito sa lugar, malinis at preskong tanawin ang madadatnan sa tuwing bibisita sa lugar. Ang tubig ay mula sa bundok ng Sierra Madre, na nag-aanyaya sa bawat bisita na lumangoy at magrefresh mula sa mahabang paglalakbay.

Tuwing off peak, ang mga presyo ng mga cottage ay tumataas mula sa Php300 hanggang Php600 – Php800 at kapag naman holy week, umaabot ito sa Php1,200 depende sa laki ng cottage. Ito ang panahon kung saan kumikita ang mga residente. Kapag naman tag-ulan ay inaalis nila ang kanilang mga cottage lalo na kapag umapaw ang ilog.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles