23.9 C
Baguio City
Sunday, October 6, 2024
spot_img

Pantabangan View Deck sa Nueva Ecija

Matatanaw sa bagong Pantabangan View Deck sa Sitio Intang, Brgy. Liberty, Pantabangan, Nueva Ecija ang kagandahan ng Pantabangan Lake na kilala dahil sa malaking dam, malinis na tubig at sariwang mga isda.

Maaari ring masilayan dito ang nakabibighaning tanawin na bahagi ng Sierra Madre, Mt. Kaanducian at Caraballo Mountains.

Bago makapunta sa view deck ay tatawid muna sa isang hanging bridge na nakadagdag sa atraksyon ng lugar na isa rin sa kinagigiliwan ng mga turistang nagpupunta rito.

Sa isang panayam ay sinabi ni Mayor Roberto T. Agdipa, na patuloy nilang pinapaganda ang Pantabangan upang maging pasyalan ng mga turista, at ang View Deck na nalalapit nang buksan sa publiko ang isa na sa kanilang naisakatuparan sa pamamagitan ng CE Casecnan Water and Energy Company Inc., ng LGU Pantabangan at sa suporta ni Governor Aurelio Umali.

Inaanyayahan ng Alkalde ang mga Novo Ecijano na bisitahin ang kanilang bayan upang matunghayan ang view deck kapag pormal na itong binuksan sa mamamayan.

Sa kabila ng pag-unlad ng Turismo sa naturang bayan ay sinisiguro pa rin nilang mapapanatili ang kalinisan sa kanilang lugar.

Source: Nueva Ecija TV48

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles