Patuloy po natin imulat ang ating mga kabataan sa mga pamamaraan ng mga Lider, at Organisador ng CPP-NPA-NDF upang makapanghikayat at makapanloko ng mga kabataan sa paaralan at komunidad.
ANO ANG AOM?
AROUSE
Sa pamamagitan ng mga maiinit na isyu panlipunan ginagamit ng mga CPP Cadre at Organizer ang mga isyu upang MAGPAPANSIN sa loob ng Unibersidad (Mga gasgas na Propaganda at gawa-gawang Isyu tulad ng RedTagging at Martial Law) upang ma-irehistro ang presensya ng kanilang mga ibat-ibang Open Mass Organization.
Sa mga ganitong pagpapainit ng mga isyu at gawa-gawang mga Propaganda (isa na rito ang REDTAGGING kuno!) sa pamamagitan ng kanilang mga :
Mahuhusay na tagapagsalita o MASS LEADER. (Education o ED);
Mga polyetong ipinamumudmud at mga idinidikit na political poster sa loob at labas ng silid aralan ( long bond paper, at minsan ay vandalism ) at Online Posting;
Ibat-ibang Signature Campaign at Press Statement ay mapapaalab nila ang mga damdamin at kamalayan ng mga kabataan upang mahikayat o sumuporta ( sa pamamagitan lamang ng pagpirma sa signature campaign, ni-like and share, nagcomment sa post o tweet, at nag WALK-IN o nakipag-ugnayan ) sa kanilang mga panawagan at gawa-gawang propaganda. (Props and Campaign)
ORGANIZE
Ang mga nakitaan ng interes sa alin man mga likhang PAGPAPASIN o Gawain ng mga CPP Cadre at Organizer, ito ay kanilang uugnayan at iimbitahan sa isang Mass Oryentation o One-On-One Orientation (F2F puntahan sa kanyang classroom o boarding house o Virtual) upang mahikayat na maging kasapi ng anu mang Open Mass Organization led o influence by the CPP Party Cadre and Organizer (Organizational Development or OD)
MOBILIZE ( MASS ACTION)
At sa darating na takdang araw ng malaki o maliit man na pagkilos o protesta o rally, hihikayatin silang sumama upang iparinig ang kanilang saloobin at karapatan, at tatakdaan sila na maghikayat (brainwash) at magsama ng kanilang mga kaibigan o kaklase upang mayroon muling maimulat, ma-organisa, at mapakilos.
Panoorin sa ibaba ng video ang susunod na yugto ng Panghihikayat ng CPP Cadre and Organizer.